Bakit mahirap para sa tao ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon?
Katapatan ang nagsilbing pundasyon ng pagtitiwala sa isa't-isa. Mapagkatiwalaan natin ang isang tao kapag sila ay tapat at madaling malapitan. Kung ang isang tao naman ay sinungaling, hindi siya mapagkatiwalaan at hinuhusgahan agad. Mahalagang maging tapat lagi sa iyong mga salita at gawa para ikaw ay pagkatiwalaan ng iyong mga pamilya, kaibigan at mga taong nasa iyong paligid. Sa mundong ito, hindi lahat ng tao ay matapat. Iba ay nagsisinungaling para sa mga masasamang gawa, iba naman ay may rason na magsinungaling. Bakit nga ba mahirap para sa tao ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon? Minsan, ang katotohanan ay masakit kaya pinipili nalang ang pagsisinungaling. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang pagiging matapat ay maganda, may mga panahon na kailangan mong magsinungaling para walang gulong manyayari. May mga panahon na pagiging matapat ay nakakasakit sa isang tao kaya sila nagsisinungaling. Minsan mapanakit ang katotohanan. Nakaranas ako ng panahong kailangan kong magsinun...