SEVEN SUNDAYS ( Film Review)
"Seven Sundays" ni Lady Alexa E. Beloria Direktor: Cathy Garcia-Molina Ipinalabas noong Oktubre 11, 2017. Pinagbibidahan nila Ronaldo Valdez; Dingdong Dantes; Cristine Reyes; Enrique Gil; Aga Muhlach. Isang ama na nakitaang may kanser at hindi na magtatagal kaya nagsamasama ang kanyang mga anak upang samahan hanggang sa kanyang huling hinga. Ngunit sa pagsasama ng magkakapatid, nagkaproblema sila sa isa't isa at nag-away. Hindi ito ikinatuwa ng ama at nalungkot sa nangyari. Sa susunod na araw ay bumawi ang kanyang mga anak at pumasyal kasama ang ama. Isang gabi, nakita ng ama ang kanyang mga anak na nagkasiyahan ng magkasama. Tumawag ang kanyang doktor at nagsabi na walang kanser ang ama at isa lamang impeksyon. Nais nitong sabihin ng ama sa kanyang mga anak ngunit natatakot siya na baka iiwanan siya ng kanyang mga anak kapag nalamang walang sakit ang kanilang ama kaya hindi muna niya ito sinabi at nagpanggap na may sakit. Isang gabi, narinig ng bunsong kapatid ang usp...