SEVEN SUNDAYS ( Film Review)

 
"Seven Sundays"

ni Lady Alexa E. Beloria














Direktor: Cathy Garcia-Molina

Ipinalabas noong Oktubre  11, 2017. Pinagbibidahan nila Ronaldo Valdez; Dingdong Dantes; Cristine Reyes; Enrique Gil; Aga Muhlach.


Isang ama na nakitaang may kanser at hindi na magtatagal kaya nagsamasama ang kanyang mga anak upang samahan hanggang sa kanyang huling hinga. Ngunit sa pagsasama ng magkakapatid, nagkaproblema sila sa isa't isa at nag-away. Hindi ito ikinatuwa ng ama at nalungkot sa nangyari. Sa susunod na araw ay bumawi ang kanyang mga anak at pumasyal kasama ang ama. Isang gabi, nakita ng ama ang kanyang mga anak na nagkasiyahan ng magkasama. Tumawag ang kanyang doktor at nagsabi na walang kanser ang ama at isa lamang impeksyon. Nais nitong sabihin ng ama sa kanyang mga anak ngunit natatakot siya na baka iiwanan siya ng kanyang mga anak kapag nalamang walang sakit ang kanilang ama kaya hindi muna niya ito sinabi at nagpanggap na may sakit. Isang gabi, narinig ng bunsong kapatid ang uspan ng kanyang ama at pinsan. Nalaman niya na walang sakit ang kanyang ama at nagpanggap lamang. Dito nagkalabasan ng sama ng loob ang magkakapatid at nalaman ng magkakapatid na walang sakit ang ama. Nagkahiwalay ang magkakapatid at naiwan ang ama ng mag-isa. Hindi nagtagal, naisipan ng magkakapatid na magka-ayos at puntahan ang kanilang ama. Nagsama-sama ang pamilya at muling itinayo ang kanilang tindahan.


Ipinapakita ng pelikula ang kadalasang nangyayari sa isang pamilya. Paglaki ng mga anak, magkakaroon sila ng kanilang sariling pamilya at hihiwalay sa mga magulang. Ipinapakita din dito ang problema ng magkakapatid ant ang kanilang pagkakaiba sa isa't isa. Ang aral na aking napulot dito ay ang pagiging tapat, sabihin ang totoo mong nararamdaman sa isang tao upang kayo ay magkaunawaan.


Lubos kong inirekomenda ito lalo na sa mga kabataan upang maintindihan nila ang kahalagaan ng pamilya at ang pagmamahal ng kanilang magulang sa kanila. Malaking aral ang napulot ko dito kaya positibo ako na may mapupulot ring aral ang ibang manunuod nito.


 

Comments

Popular posts from this blog

Kakulangan ng mga Silid Aralan

MY INTRAMS JOURNAL

Gender Equality