Bakit mahirap para sa tao ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon?
Katapatan ang nagsilbing pundasyon ng pagtitiwala sa isa't-isa. Mapagkatiwalaan natin ang isang tao kapag sila ay tapat at madaling malapitan. Kung ang isang tao naman ay sinungaling, hindi siya mapagkatiwalaan at hinuhusgahan agad. Mahalagang maging tapat lagi sa iyong mga salita at gawa para ikaw ay pagkatiwalaan ng iyong mga pamilya, kaibigan at mga taong nasa iyong paligid.
Sa mundong ito, hindi lahat ng tao ay matapat. Iba ay nagsisinungaling para sa mga masasamang gawa, iba naman ay may rason na magsinungaling. Bakit nga ba mahirap para sa tao ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon?
Minsan, ang katotohanan ay masakit kaya pinipili nalang ang pagsisinungaling. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang pagiging matapat ay maganda, may mga panahon na kailangan mong magsinungaling para walang gulong manyayari.
May mga panahon na pagiging matapat ay nakakasakit sa isang tao kaya sila nagsisinungaling. Minsan mapanakit ang katotohanan.
Nakaranas ako ng panahong kailangan kong magsinungaling dahil kapag ako noon ay nagsabi ng totoo, ako ay mapapahamak. Siyam na taong gulang palang ako noon at naghihintay ako na kunin ako ng aking magulang galing sa paaralan. May isang babae na lumapit sa akin at nagsabi na inutusan daw siya sa aking mga magulang na kunin ako. Pinag-aalalahan ako lagi ng aking mga magulang noon na 'wag sasama kapag hindi ko kilala kaya sumagot ako na papasok ako sa klase kahit na hindi iyon ang katotohanan. Minsan ang pagsisinungaling nakakaligtas at minsan naman ay maaaring kang ilagay sa pamahak.
Kung sa tingin mong nararapt na magsabi ng totoo, maging matapat ka pero kung hindi naman, pwede kang magsinungaling kung ikaw ay may rason na gawin ito.
Comments
Post a Comment