Kakulangan ng mga Silid Aralan

 Kakulangan ng mga Silid Aralan




            Ayun sa DepEd, nagkulang ng 159,000 na silid aralan para sa pagbabalik aral sa taong 2023-2024. Halos 440 na silid aralan ang nawasak ng mga dumaang bagyo ayon sa report ni Assistant Seceretary Francis Bringas. Ito'y makakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante lalo na't ang silid aralan ang pinakamahalagang parte ng pag-aaral dahil ito ang tinuturi nilang ikalawang tahanan.

            Mahalaga sa paglago ng edukasyon ng estudyante ang kanyang paligid na ang silid aralan dahil mas nahahasa ang kanilang talas ng isipan kapag sila'y nasa isang magandang paligid. Ang kakulangan ng mga silid sa paaralan ay makakaapekto sa pag-aaral ng isang estudyante. Magsisiksikan ang mga mag-aaral na dulot ng kakulangan ng silid at maaari itong nakakapahamak sa kanila. Kadalasan ng mga pampublikong paaralan ay kulang na kulang ng mga silid kaya ginagamit nila ang covered court bilang silid. Nakakasama ito sa mga mag-aaral dahil sa init ng panahon o mga ingay sa paligid na hindi sila makakapag-aral ng mabuti. 

               Ayun sa balita ng Inquirer, kailangan umano ng badyet na P100 B taun-taon upang lutasin ang kakulangan ng mga silid aralan. Para sa akin, masyado naman atang malaki na pera para sa taun-taong panggastos ng pagpapagawa ng mga silid at ayon sa balita ay hindi pa ito binigyan ng aksyon ng DepEd kaya nakakapagtaka kung talagang malulutas ba ang problemang pang-edukasyon kung wala pang aksyon na pinakita ang DepEd. Dapat pagpapahalagahan ng pamahalaan ang edukasyon ng bansa dahil mahalaga ito para sa kaunlaran ng ating bansa. 

                Ang edukasyon ay ang karapatan ng bawat mamamayan na hindi dapat ipinagkait. Kaya bigyang tuon din ang mga kahalagahan ng mga kagamitang pang-edukasyon kagaya ng silid aralan na ang itinuturi nilang pangalawang bahay na kinukunan ng kaalaman. Dapat bigyan ng tuon ang mga isyu tungkol sa edukasyon para sa kinabukasan ng mga batang Pinoy.












-(https://newsinfo.inquirer.net/1826471/fwd-p105-billion-budget-per-year-needed-to-address-classroom-shortage-in-ph-by-2030-deped)
-(https://www.rappler.com/nation/deped-report-classroom-shortage-school-year-2023-2024/)
-(https://blahblahblah874.wordpress.com/2015/11/08/the-plight-of-public-school-teachers-in-the-philippines/)
-(https://camilleledesma.wordpress.com/2014/06/28/lack-of-proper-education/)

Comments

  1. Nice research a very realistic topic and our students are struggling in their day to day classes specially in public schools, them not having a comptable classrooms

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. It's really a difficult situation for our students not having enough classroom for them. Classes are being shorten inorder to give way to other students as well, since they're classrooms are being shared. With this kind of situation our students are having gives a big impact on the negative effect of the quality of education and learnings they are getting. Hopefully this will be sorted by DepEd.

    ReplyDelete
  4. Thank you for researching on this topic because this is rarely talked about. We must put attention in this certain topic becuase this is very crucial for the development of the students.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Africa

Uncover the Science Behind Things