PERA
Sa panahon ngayon, pera ang pinkamahalagang bagay na kailangan ng tao dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Hindi madaling makuha ang pera kaya ito ay iniingatan at bina-badyet. Maraming tao ay sumasakripisyo sa kanilang buhay, magkapera lang at maraming taong nagkakasakitan dahil sa pera. Ika nga nila, ang pera ang nagpapa-ikot sa mundo. Sa isang dokumentaryo ni Kara David na pinamagatang "Minsan sa Isang Taon", doon ko nalaman na ang pangunahing sangkap sa pera ay mula sa abaca. Isang uri ng puno na sa buong Asya, sa Pilipinas lang makikita. Nakita ko kung paaano ina-ani ang abaca sa Sitio Banli sa Sarangani Mindanao, na itinuturing ang pinakamahirap na lugar sa probinsya. Ang pangkabuhayan ng mga mamamayan doon ay ang pagsasaka ng abaca. Nakita ko sa dokumentaryo ang pamumuhay ni Mang Tusan, isang ama na ang tanging pinagkukunan ng pera ay ang pagsasaka ng abaca. Marami sa mga bata doon ay may sakit na Kwashiorkor, isang sakit na dulot ng kakulangan ng protina sa ka...