PERA

 Sa panahon ngayon, pera ang pinkamahalagang bagay na kailangan ng tao dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Hindi madaling makuha ang pera kaya ito ay iniingatan at bina-badyet.  Maraming tao ay sumasakripisyo sa kanilang buhay, magkapera lang at maraming taong nagkakasakitan dahil sa pera. Ika nga nila, ang pera ang nagpapa-ikot sa mundo.

Sa isang dokumentaryo ni Kara David na pinamagatang "Minsan sa Isang Taon", doon ko nalaman na ang pangunahing sangkap sa pera ay mula sa abaca. Isang uri ng puno na sa buong Asya, sa Pilipinas lang makikita. Nakita ko kung paaano ina-ani ang abaca sa Sitio Banli sa Sarangani Mindanao, na itinuturing ang pinakamahirap na lugar sa probinsya. Ang pangkabuhayan ng mga mamamayan doon ay ang pagsasaka ng abaca. Nakita ko sa dokumentaryo ang pamumuhay ni Mang Tusan, isang ama na ang tanging pinagkukunan ng pera ay ang pagsasaka ng abaca. Marami sa mga bata doon ay may sakit na Kwashiorkor, isang sakit na dulot ng kakulangan ng protina sa katawan. Kamote lamang ang laging kinakain ng mga tao doon dahil minsan lang makaka-ani ng abaca dulot ng kakulangan ng puno sa lugar. Minsan lang nagkakapera si Mang Tusan dahil ka-isa sa isang taon na lamang siya makaka-ani ng abaca at minsan ay wala siyang ma-iuwing pera sa tahanan. Malungkot tignan pero iyon talaga ang kadalasang nangyayari sa mga magsasaka. Ang taong naghihirap sa pag-ani ng sangkap ng pera, hindi man lang makahawak ng pera.

Dahil sa aking napanood na dokumentaryo, nagpasalamat ako sa Diyos sa buhay na meron ako dahil may mga tao na wala ang meron kami. Maraming tao ngayon ang naghihirap kaya lagi tayong maging mapagpasalamat sa mga bagay na meron tayo maliit man ito o malaki dahil ang mga bagay na meron tayo ay pinaghihirapan din ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay pinaghihirapan kaya matuto tayong magpahalaga sa mga bagay-bagay sa ating buhay. 



Link ng nabanggit na dokumentaryong "Minsan sa Isang Taon" ni Kara David:

https://www.youtube.com/watch?v=yW9tT0XafhY 

Comments

Popular posts from this blog

Kakulangan ng mga Silid Aralan

Africa

Uncover the Science Behind Things