Kakulangan ng mga Silid Aralan
Kakulangan ng mga Silid Aralan Ayun sa DepEd, nagkulang ng 159,000 na silid aralan para sa pagbabalik aral sa taong 2023-2024. Halos 440 na silid aralan ang nawasak ng mga dumaang bagyo ayon sa report ni Assistant Seceretary Francis Bringas. Ito'y makakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante lalo na't ang silid aralan ang pinakamahalagang parte ng pag-aaral dahil ito ang tinuturi nilang ikalawang tahanan. Mahalaga sa paglago ng edukasyon ng estudyante ang kanyang paligid na ang silid aralan dahil mas nahahasa ang kanilang talas ng isipan kapag sila'y nasa isang magandang paligid. Ang kakulangan ng mga silid sa paaralan ay makakaapekto sa pag-aaral ng isang estudyante. Magsisiksikan ang mga mag-aaral na dulot ng kakulangan ng silid at maaari itong nakakapahamak sa kanila. Kadalasan ng mga pampublikong paaralan ay kulang na kulang ng mga silid kaya ginagamit nila ang covered court bilang silid. Nakakasama ito sa mga mag-aaral dahil sa init ng panahon