Ang Mga Taong Akha


 Ang mg Akha ay unang nanggagaling sa China ngunit meron na ding mga Akha sa Thailand, Myanmar at Laos dahil sa sila ay lumalakbay patungong Timog-Silangang Asya. Kilala sila sa kanilang pagbuburda at kakaibang pamumuhay. Sa kasulukuyan ay 680,000 ang kanilang populasyon dahil sa umaalis na mga batang Akha para mag-aral o magtrabaho sa syudad.

Kilala ang mga Akha dahil sa kanilang kulturang Hani lalo na ang mga kanilang pagbuburda. Itong binurdang damit ay sinusuot lamang kapag may espesyal na seremonya. Sa Yunnan China, matatagpuan ang isang center kung saan makikita ang kulturang Hani. Dito makikita ng mga tradisyonal na suotin ng mga babae na paiba iba sa kanilang takbo ng buhay. Ang kanilang mga ninuno ay pinagbuburda ang kanilang karanasan dahila sila ay walang nakasulat na wika. Sa center makikita din ang mga tradisyonal na bahay ng mga Akha na may dalawang hagdanan para sa babae at lalaki, kama na may pader sa pagitan at magkahiwalay matulog ang mag asawa. Marami man ang pumupunta dito para matuklasan ang kanilang magandang kultura, unti-unting lumiliit ang kanilang populasyon dahila marami sa kanila y pumupunta sa syudad.

Dapat ipagmalaki mo ang iyong kultura kahit na ito ay unti unti ng nawawala dahil dito ka naggagaling at iyon ang iyong pagkakakilanlan. Sa aking palagay, ang mga kulturang ito ddapat tinuturo sa mga bata para malaman nila ang kahalagahan sa isang kultura at matuto silang pahalagahan ito. 







References

Goldthread. (2020, February 14). Preserving a Fading Culture in the Mountains of China [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=JugrnTs3P_4

 Akha people. (2021, August 5). Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Akha_people



Comments

Popular posts from this blog

Kakulangan ng mga Silid Aralan

Africa

Uncover the Science Behind Things